Mar 4, 2011

Round 8

Pag natalisod ka… pag nadapa ka… pag nahulog ka… pag natumba ka… at nakita mo silang pinagtatawanan ka…....Nasa likod mo lang ako!
Halos mamatay na rin sa katatawa sa ‘yo!

Lie to meee... lie to meee.... lie to mee...
Sa husgado…

BIKTIMA: Opo, Atorni, siya po ang gumahasa sa akin!
AKUSADO: Hindi po ako! Hindi ko po kilala ang babaeng ‘yan!
BIKTIMA: Siya po tala­ga, Atorni! Tandang-tanda ko pa, ang liit-liit ng etits niya! Mas maliit pa sa disposable lighter!
AKUSADO: Maliit?! Bakit uma-ahh-ahhh-ahhhh ka?!

Kung wala kang nagawang tama ngayong araw kundi puro mali, ayos lang ‘yun.
At least, may nagawa ka kahit mali.
Bukas, gumawa ka uli para masaya. Masarap kayang mag-ipon ng mali.
Kapag marami ka nang naipon, magiging maga­ling kang tagapayo sa mga tulad mong talunan.
‘Pag nangyari ‘yun, magiging makabuluhan ang iyong buhay dahil nakatulong ka sa iyong kapwa.
Doon na mag-uumpisa ang paggawa mo ng tama, ‘di ba?


MGA ADVANTAGES NG PAGIGING GWAPO
1. Sinasabihang “ mukhang mayaman” kahit wala namang pera
2. May lisensyang maging babaero (o kaya lalakero)
3. Madaling maka-utang at madali DAW pagkatiwalaan. (ganito maririnig mo:”Sige, gwapo ka naman eh……..”)
4. Pwedeng magwantutri sa bus o dyip ng hindi mahahalata
5. Lahat ng trabaho bagay sa kanya
6. Lahat din ng kulay ng damit bagay din
7. Isang matinding pa-kyut lang ang kailangan, tyak pauunahin na sya sa pila o kaya libre na sya ng miryenda at gupit.
8. Okay lang maging bobo, kasi may kasabihan daw “Aanhin mo ang damo kung mukha kang kabayo, mabuti pa ang bahay kubo sa paligid ligid ay puno ng linga”
9. Pwedeng maging artista o di kaya humanap ng mayamang matronang duktora para humingi nng kotse , bahay at pera. Saka i-video kasama ang maraming model at artista. Tyak magiging sikat ka pa
10. Okay lang na hindi magreview tuwing exam kasi tyak papakopyahin ka ng katabi mong babae(o bading) o di kaya ipapasa ka ng titser mong babae (o bading)

MGA DISADVANTAGES NG PAGIGING GWAPO
1. Hindi pwedeng lumabas ng bahay ng di naliligo o nagpapabango
2. Habulin ng mga matrona, babae at nagpipi-feeling babae
3. Hindi pwedeng mangulangot o maghihinunuli sa harap ng maraming tao
4. Sinasabihang “bakla”
5. Laging sinisiksik sa loob MRT/LRT kahit maluwag naman
6. Hindi pwedeng tumawad sa palengke kung ayaw marinig ito”Kay gwapo-gwapo wala namang pera”
7. Sinasabihang mayabang at suplado.
8. Walang karapatang magkaroon ng tinga sa ngipin, tumulo ang laway pag natutulog at magkaroon ng muta sa umaga.
9. Akala nila mabango rin pati utot mo
10. Laging natsan-tsansingan sa dyip, bus, MRT/LRT, gym, sinehan at kung saan saan pa.

MGA ADVANTAGES NG PAGIGING HINDI GWAPO
1. Nagiging komedyante kaya kahit di nagpapatawa mukha pa ring nakakatawa

2. Okay lang lumabas ng bahay ng di nag-aayos at naliligo (kaya may lisensyang magkaroon ng putok at bad breath)
3. Hindi sinusundan ng makukulit na Saleslady dahil otomatiko na raw na hindi sila bibili
4. Pwedeng maging boksingero dahil hindi raw panghihinayangan ang mukha
5. Mabenta tuwing “Halloween”
6. Kahit magkaroon ka ng sex video walang gaanong papansin.
7. Hindi na kailangan mag-ubos ng pera para sa facial, eskinol, glutathione at kung ano ano pang pampagwapo.
8. Pwedeng mangulangot, umutot, dumighay at dumura sa harap ng maraming tao.
9. Madalas katakutan sa looban at kanto, dahil mukhang kakain ng tao.
10. Hindi malilito o lilingon pag may tumawag na “Hoy!Pogi!” sa likod.
MGA DISADVANTAGES NG PAGIGING HINDI GWAPO
1. Laging napagbibintangang magnanakaw, rapist, snatcher, akyat bahay ,shoplifter at kung ano ano pang krimen sa iyo ituturo.
2. Kahit maligo ng handred tayms mukha pa rin daw mabaho. Hindi rin sya pwedeng magselan kasi di raw bagay.
3. Hindi pwedeng maging artista, pulitiko lang (then saka lang pwedeng maging artista)
4. Laging kontrabida sa pelikula, o di kaya binabambo ng binilot na dyaryo at sinasabuyan ng ihi sa arinola.
5. Sinasabihang manyak ng katabing babae kahit mas matigas pa sa iyo ang mukha nya.
6. Kailangang maging matalino at mabait , kung hindi................. malamang sinasabihan ka ng “kaawa-awang nilalang”
7. Kahit branded ang damit at sapatos mukha pa rin daw galing “ukay-ukay”
8. Lahat ng bagay kamukha na nya at sinasabihang “mukhang palakol”, “mukhang tsinelas” “mukhang basket” at kung ano ano pa (hayop din kasama sa listahan)
9. Paboritong batuhin ng titser ng eraser, chalk at aklat. Sya rin ang pinagbibintangang kumain ng yema at pulburon na di pa nagbabayad.
10. Pag napasagot nya ang magandang babae sinasabihang “GINAYUMA LANG DAW “ pag kapwa panget naman ang napasagot nya - “NO CHOICE” daw ang tawag dun.






Mar 2, 2011

Round 7


“Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”

“Merong maliit.. merong malaki.. merong maitim..merong maputi.. merong buo..merong durog.. at merong mga taong hindi basta basta lumulubog!”


Mga Quotes ni Bob Ong  


  • “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
  • “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
  • “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
  • “Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko “
  • “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”- Hahaha Sabi naman ni Juan tamad, “Babalik at babalik parin ang elevator, kaya mas maganda na maghintay ka nalang.”
  • “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”
  • “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
  • “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
  • “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
  • “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
  • “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”
  • “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”
  • “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”
  • “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”
  • “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
  • “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”
  • “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.”
  • “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”
  • “Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso… Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal…”
  • “Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
  • “Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
  • ”Nakabalik ako sa lugar, pero hindi ko naibalik ang panahon.”
  • ”Huwag mong maliitin ang kakayahan mong tsumamba.”
  • “Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”
  • “Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
  • “Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo’y papalubog na. Basta’t wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao.”
  • “Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
  • “Merong matigas.. merong malambot.. merong tuwid..merong kulot.. merong buo..merong durog.. at merong mga taong hindi basta basta lumulubog!”
  • “Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.”
  • “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit nalang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”
  • “Kapag pinag-aagawan ka malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.”
  • Naniniwala ako sa isang prinsipyo sa psychology na nagsasabing para makuha mo ang gusto mo, kailangan nkatatak ito sa isip mo ng buong-buo. VISUALIZED..“
  • “Hindi naman lagi iiyak ang mundo para lang sa isang tao.”
  • “Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? wala knaman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang choice mo yan.”
  • ”Tatlong uri ng mamamayan: Ang mahihirap, ang mas mahihirap at ang mga makapangyarihang oportunistang maylikha sa dalawa.”
  • “Mahirap magpatupad ng batas, pero madali maghanap ng violations kapag oras na ng sisihan.”
  • “Kung hindi mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?”
  • “Hindi ba malaking pagkakamali ng maraming eskwelahan na gawing 0 to 10% lang ang ‘character’ sa computation ng grades gayong Character ang humuhulma sa tao, pamilya, bansa, mundo at kasaysayan?”
  • “Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng mga magulang ko nung bata pa ako. Hindi pala lahat ng bata e dumadaan sa kamusmusan.”
  • ”Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”
  • “Nalaman kong mali ang laging mamigay ng pad paper sa mga kaklaseng linta na hindi bumibili ng paper kahit may pambili.”
  • “Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila?”
  • “Minsan kailangan mong maging malakas, para amining mahina ka.”
  • “Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko.”
  • “Kahit saang anggulo tingnan, mahirap yatang lunuking ang katwirang “eh ano kung mabaho tayo, may mas mabaho pa naman sa atin ah!”
  • “Ano ang talino kung walang disiplina?”
  • “Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo.”
  • “Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”
  • “Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.”
  • “Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.”
  • “Mangarap ka at abutin mo ito. wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis… kung may pagkukulang sayo ang magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde, tumigil ka sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kili-kili… sa bandang huli, ikaw din ang biktima… rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”
  • “Iba ang informal gramar sa mali!!!”
  • “Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”
  • “Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala.”
  • “Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”
  • “Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”
  • “Kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. Dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.”
  • “Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? ‘Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan. “
  • “Imbis na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’, bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s’ya.”
  • “Wag kang magpadala sa salitang ‘sorry’ at ‘ayokong mawala ka.’ Kung totoo ‘yun, patunayan n’ya.”
  • ” Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sa’yo ay ginagawa din n’ya sa iba?”