Feb 19, 2011

Round 4

Teacher asks her pupils what they want to be in the future...

KIKO: I want to be a lawyer.

JUAN: I want to be a doctor.
NENE: I want to be a mother.

PEDRO: I want to help Nene!


GIRL: Miss mo ba ako?
BOY: Miss pa sa nga­yon. Pero balang araw… MISIS na kita.


PINOY KA KUNG…


1. Lumulingon ka kapag may sumisitsit.
2. Kaya mong magturo ng direksyon sa pamamagitan ng iyong nguso.
3. Gumagamit ka ng tabo sa paliligo.
4. Mahilig kang bumili ng “Sale” na item sa mall kahit hindi mo kailangan.
5. Nagkakamay ka kapag kumakain at hindi mo kailangan ang kutsara at tinidor.
6. “Prijider” ang tawag mo sa refrigerator.
7. May picture ng “The Last Supper” sa kusina niyo. at
8. May malaking dalawang malaking kutsara at tinidor na nakasabit sa dingding ng kusina niyo.
9. Naka-laminate ang diploma ng mga nakagraduate sa inyo.
10. May nakahilerang picture frames ng buong pamilya niyo na nakasabit sa dingding sa tabi ng hagdanan.
11. May walis ting-ting at walis tambo kayo sa bahay. Ito ang ginagamit na panlinis ng carpet kahit may vacuum cleaner.
12. Nagkakape ka habang kumakain ng tanghalian o hapunan.
13. Kumakain ka ng inihaw na dugo ng manok, adidas (paa ng manok), isaw ng manok, balun-balunan, at ulo ng manok.
14. Mahilig ka sa tingi. Tinging asukal, suka, tuyo, asin at iba pa.
15. Mahilig kang sumingit sa pila.
16. Navivideoke ka kapag sabado at linggo, pati na rin lunes, martes, miyerkules….araw-araw.
17. Mahilig kang dumura sa kalsada at umihi kung saan-saan.
18. Di mo nakakalimutang bumili ng souvenir item kapag nagbakasyon ka sa ibang lugar.
19. Umuusyoso ka kapag may aksidente.
20. Isinasawsaw mo sa kape ang tinapay.
21. Pumapalakpak ka kapag lumalapag ang eroplano sa airport.
22. Naliligo ka sa ulan at sa baha.
23. Kinukulob ang utot at pinapaamoy sa bata.
24. Hindi ka nahihiyang mangulangot gamit ang hintuturo. Bibilutin ang kulangot at pipitikin papunta sa kasama mo.
25. Mahilig kang mag-ipon ng mga botelya at gagamiting paglagyan ng asukal, kape, asin at iba pang gamit sa kusina.
26. Mahilig ka sa pirated cd’s at china products.
27. Bumibili ka ng ukay-ukay.
28. Kinakalong ang mga bata sa jeep at bus para hindi singilin ng pamasahe.
29. Nag-uuwi ka ng mga gamit sa hotel.
30. Tumatawad sa department store na parang nasa palengke ka lang.
31. Nagkakamot ka ng ulo at ngumingiti pag hindi mo alam ang sagot.
32. “Cutex” ang tawag mo sa nail polish, “Colgate” naman sa toothpaste.
33. Ayaw mong tanggalin ang plastic cover ng bagong bili mong sofa o sala set.
34. May uling sa loob ng refrigerator mo.
35. Pinapakain sa alagang aso at pusa ang natirang pagkain.
36. May eletric fan kang walang takip ang elisi.
37. May nakatabing bukod na pinggan, baso, kutsara at tinidor para sa mga bisita.
38. Mahilig kang magpapicture kasama ang nakitang artista sa mall.
39. Kaya mong makipagtext ng tuloy-tuloy hanggang madaling araw.
40. Paulit-ulit ang pangalan mo tulad ng Bong-Bong, Che-Che, Ton-Ton, at Mai-Mai.
41. Ginagamit mo ang sabong panlaba na panghugas ng pinggan.
42. Lagi kang huli sa lahat ng appointment mo.
43. Ginagamit mo ang iyong mga daliri sa pagsukat ng tubig sa ricecooker.
44. Ginagawa mong sabaw ang kape sa kanin.
45. Nilalagay ang sukling bentisingko sa tenga.
46. Binibilot ang ticket sa bus at isinisiksik kung saan-saan.
47. Nagpapabalot ka ng pagkain sa birthday party para iuwi.
48. Naguuwi ka ng mga tira-tirang buto at tinik sa birthday party para ipakain sa alagang aso at pusa.
49. Ugali mong umutang sa sari-sari store.
50. Pinoy ka kung sumasang-ayon ka sa lahat ng nabasa mo.


Matanda : iho, hindi ba malalim ang ilog na ito?
Bata
: hindi ho lolo!!
Matanda
: tulong!!!!!! tulong!!!!!!!!! sabi mo hindi malalim, salbahing bata ka!!
Bata
: weeee!! d nga? kayo naman lolo, nakatawid nga kanina ang Pato at hanggang dibdib nya lang.


tama nga naman siya!



Rep. Manny Pacquiao, juma-Justin Bieber ang hairdo


Marami ang nakakapansin na tila juma-Justin Bieber ang hairdo ngayon ni Congressman Manny Pacquiao.
Kaugnay nga nito ay may balitang may nagtanong daw na bata sa presscon nina Pacquiao at ng makakalaban nitong si Shane Mosley sa Las Vegas kung fan ba si Pacquiao ni Justin Bieber?
Ang sagot daw ni Pacman, “That’s a good question. I like it but Bruce Lee is my idol.”
In fairness, may bangs din si Bruce Lee.
MNK (Malala Na Kuya)

Dear Kuya Jan2x,

Itago mo nalang ako sa pangalang Helga. Isa akong yoga instructor ng yoga class sa isang yoga house ng isang yoga club. Dahil na din sa klase ng trabaho ko, masasabi kong maganda ang hubog ng katawan ko. At hindi naman sa pagmamayabang, pero maganda din naman ako, at sa tangkad na 5'10, madami ang nakakapuna sa akin. Hindi ako selosa dahil mataas ang confidence ko sa sarili ko. Pero kabaliktaran naman ang boyfriend kong si Matt dahil halos lahat ng lalakeng makausap ko ay pinagseselosan nya. Ang pinaka huling pinagselosan ni Matt ay isang lalake na hindi ko naman kaclose, tinulungan lang ako nung lalake magpark at nagalit agad si Matt. Baket daw kinakatok nung lalake yung kotse ko, at ano daw yung inabot ko sa lalake? Kung hindi ba naman sya tanga... parking boy yun, malamang aabutan ko ng barya. Sa paulit-ulit na pagseselos ni Matt, unti-unting nalayo ang loob ko sa kanya. Tuwing magkikita kami, imbis na maging masaya nalang ang pagkikita namin, nauubos ang oras sa kakasermon nya sakin. Pilit kong tiniis ang pagseselos nya pero napuno na ako nung nasira nya ang isang espesyal na gabi. Inimbita ko na maging escort ko si Matt sa Golden Anniversary ng mga magulang ko, at maayos naman ang naging salo-salo sa bahay nila mommy at daddy nang biglang...

May narinig kaming sigawan na galing sa labas ng gate. Dahan-dahan kaming nagtakbuhan ng mga kamag-anak ko palabas ng gate at ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inasahan. Nakita kong nakikipagsuntukan si Matt sa lalakeng pinagselosan nya. Ang buong away ay nasaksihan ng mga kamag-anak ko at sa pagkakataon na yun ay nagdesisyon ako na hindi muna makipagkita kay Matt para makapag-isip.

Tatlong buwan naging "it's complicated" ang status ko, at akala ko ay hindi na ako magiging masaya. Pero mapaglaro ang tadhana. Nakatanggap ako ng friend request sa Facebook mula sa isang lalake. Hindi ko kakilala ang lalake pero pamilyar ang muka nya. Nagsend ako ng message sakanya at tinanong ko kung sino sya. Nagulat ako nang sabihin nya na sya ang nakaaway ni Matt sa labas ng gate namin. Nag-away daw sila dahil bigla daw syang sinapak ni Matt. Sya pala yung parking boy na pinagselosan ni Matt. Nagpakilala sya bilang si Dave. Mabilis na nahulog ang loob ko kay Dave at halos araw-araw ang pag-uusap namin sa inbox ng Facebook. Nagulo ang mundo ko dahil tuwing gabi ay kausap ko si Dave sa Facebook, pero sa mga panahon na yun ay nakakasama ko na din ulit si Matt na nagpakita ng malaking pagbabago. Hindi na sya seloso at nakita ko ang kakaibang lambing sakanya. Lalo akong naguluhan nung nakasama ko na si Dave dahil masarap pala syang kausap at napaka maasikaso. Tuwing pagkatapos kong makipagyogahan sa mga yogista ay kasama ko si Matt, pero pag dating ng madaling araw ay si Dave naman ang kasama ko. Nasisira ang pangalan ko dahil ang tingin ng mga tao ay malandi akong babae, pero gusto kong matigil ang mga usapin na ganon kaya naisip kong kailangan kong pumili ng isa sakanila. Sino ang dapat kong piliing maging boyfriend Kuya Jan2x, si Matt ba o si Dave? O si Kevin? O si Leo? O si Greg? O si Alvin? O si Reginald? O si John? Umaasa ako na sa pagpili ko ng isa lang sakanila ay matitigil na ang mga haka-haka na malandi ako dahil natatakot akong umabot pa ang kasinungalingan na yan sa asawa kong si Tristan. Sana ay mapayuhan mo ako sa lalong madaling panahon.

Lubos na gumagalang, 
Helga 


Bakit masarap magmahal ang mga taong mahilig magpatawa?

1 Hirit pa lang niya, panalo na.
2 Lagi kayong masaya kahit problemado na.
3 Magaling magdala kahit sablay na.
4 Hindi ka talaga tatanda sa katatawa.
5 ‘Pag naging seryoso, talagang tatamaan ka.
6 Sigurado, malalahian ka ng matalino. Mahirap yatang mag-isip para lang makapagpatawa.
7 Kahit sinaktan mo na, feeling mo, ok lang sa kanya… Hindi mo alam, halos mamatay na siya dahil hindi niya alam kung paano siya makakaiyak nang hindi mo nahahalata.

Ang buhay ay de metro

Ang buhay ng tao ay parang pagsakay ng taxi... May mga panahon na mas alam ng iba ang daan at mas masarap ang byahe. May panahon na ililigaw ka. Minsan manghuhula ka ng daan at magbabakasakali na tama ang hula mo. 

Ang buhay ng tao ay parang pagsakay ng taxi... Napapamahal ang kabayaran sa bawat maling liko. At napapalayo ka sa destinasyon mo lalo na kung one way ang maling kalyeng pinasok mo.

"Ang taong hindi nagkakamali... ay walang ginagawa." 

Manhid

GIRL: Kumusta?
BOY: Eto, na-realize ko kung gaano kita kamahal. Kahit may girlfriend ako, ikaw pa rin ang nasa puso ko.
GIRL: Ah, ok… ano ang gawa mo?
BOY: Eto, patuloy kang minamahal… inaalis ko sa aking isip ang girlfriend ko at iginuguhit ka sa puso ko.
GIRL: Ahh… naka-unli ka?
BOY: Oo! Katulad ng walang hanggang pagmamahal ko sa ‘yo!

GIRL: Ok po. 

TAGA-SURVEY: Misis, ilan po ang mga anak ninyo?
MISIS
: Labinda­lawa! Lalaki lahat! Jomar ang pangalan nilang lahat para isang tawag lang, lahat eh lalapit na!
TAGA-SURVEY
: Paano ho kung isa lang ang kailangan ninyo?
MISIS
: Tatawagin ko sa apelyido.

"Masarap alalahanin ang mga luha, at matawa. Pero mas masarap alalahanin ang mga tawa, at maluha."

"Hindi naman kurakot lahat ng politiko. Nadadamay lang yung iba dahil sa 99.99% ng politiko na nangungurakot."

Ano daw!?



The Erecterius trouserius or the Trouser Snake is the world’s most dangerous snake.

Color varies from pink to black. It is fangless. Its high venomous spit can cause prolonged swelling lasting nine months.

Length is 3-9 inches depending on subspecies. Usually appears in bedrooms but found in unusual places at times.

Attacks women in the lower part of the abdominal area. It has also been known to attack men from behind.
 
Matuto kang sumunod kung ayaw mong maging ok lang

























No comments:

Post a Comment